Skip to content
Home » News & Blogs » Ang Gwapitong Worker ng QC

Ang Gwapitong Worker ng QC

A highly amazing tale from one of our Ka-Workmates from Quezon City. The plot is around his experiences throughout the epidemic and how he prevailed despite his many sacrifices.



Here is the story.

Itago nyo na lamang po ako sa pangalan Allan,  25 years old tubong Davao at kasalukuyang nakatira sa bahay ng mga biyenan ko kasama ng asawa ko at ng dalawa kong anak. Medyo marami kami sa bahay dahil, kasama rin namin ang mga bayaw at mga bilas ko.

Nagtatrabaho nga pala ako ngayon sa isang kilalang cellphone shop dito sa Quezon City. Hindi naman po sa pag bubuhat ng sarili kong bangko, ako po ay medyo may itsura, matikas kung tumayo at marunong pumorma. Sabi ng aking mga kaibigan at hawig ko nga daw po si Jerome Ponce. Bata pa lang ako ay marami na akong nagiging kaibigan dahil ako ay likas na pala-ngiti at palakaibigan.


Mabalik tayo, kasalukuyan nga akong nag wowork ngayon bilang isang cellphone or gadgets seller at baka nga isa na ako sa mga nag abot sayo ng flyers, kung sakaling napapadaan ka sa gawing itaas, second floor ng sikat na mall dito sa QC.

Noon masasabi kong malakas ang bentahan namin dahil laging “in demand” at sikat ang mga nai-lalabas na gadgets ng aming brand company kaya medyo hindi ako nahihirapan  maka-close ng sales. Siguro nga nagagamit ko ang ang killer smile technique. Naks naman.


Hanggang sa isang araw, nagulat na lang kame sa balitang hindi mo inaasahan, ito ay ang bagong virus daw mula sa Wuhan, Tsina.

Noong mga unang Linggo matapos lumabas ang balita, medyo hindi pa natin nararamdaman ang malaking epekto nito, dahil ang iniisip naman noon ay malayo naman tayo sa bansang Tsina.

Patuloy pa rin ang buhay noon, kumbaga ay kampante lamang.

Hanggang sa may isa na namang balita ang pumutok, at literal talaga itong pumutok, at ito ay ang pagsabog ng Bulkang Taal. Mabilis naubos ang mga N95 mask noon dahil sa umabot sa Manila ang alikabok ng bulkan. Alalang alala ng ako noon dahil ang dalawa kong anak ay may sakit na hika, kaya todo ingat kami noon. Panandaliang natabunan ang balita tungkol sa Covid, dahil kabi-kabila ang balita at bayanihan tulong para sa mga nasalanta at naapektuhan.

Makalipas ang ilang linggo, lumabas na ang balitang nasa Pilipinas na raw ang virus na Covid-19 at kabi-kabila na nga lumabas ang ibat-ibang announcement tungkol sa pag “Lockdown” ng buong Metro Manila. Siyempre, kasabay na nito ang pagsasara ng mga malls at lahat ng establisyemento.

Pasalamat nga po ang ibang mga trabaho na pwede sa work from home, pero paano na lamang ang aming trabaho na isang seller sa mall. Talagang takot, lungkot at kaba ang nanaig sa akin noon, tinggal kame sa trabaho at pinag-pahinga na lamang muna.


Ang iniisip ko agad noon ay, kung paano na ang aking mga anak, kung ano na ang kanilang kakainin at saan ako kukuha ng pang-gamot kung sakaling ito dumapo ito sa amin. 

Pagkalipas ng ilang linggo ay nakatanggap ako ng tawag sa aking manager. Ang manager ko nga pala ay isang Bi-sexual. Sabi niya ay kung gusto ko raw raket.

Sino ba naman ang tatangi sa blessing nun panahon na iyon. Agad akong nakipagkita sa kanya at inalam ang alok na racket. 

Dahil sarado ang mga mall noon, sa bahay niya ako pumunta at doon na nga niya sinabi ang kanyang offer. Kinabahan ako sa una at napai-isip kung ano bang offer itong ibibigay niya sa akin.

Sabi nya sakin, “Maupo ka lang diyan at magpahinga” dahil meron pa tayong inaantay na makakasama ko. Mas marame, mas masaya.

Ilang sandali pa ay dumating na agad ang aming inaantay. Isang rin itong makisig at magandang lalaki katulad ko. Pinagpapawisan na ako noon sa kaba, dahil kung ano ano na ang pumasok sa aking isipan.

Maya maya pa lamang ay meron siyang (manager) na inabot sa amin na mga flyers at babasahin. Bigla nyang binuksan ang kanyang TV at tila may gustong ipapanood.


“Ready na ba kayo?” Sabi ni Manager.

Hangang nag-play na nga sya ng video ng nagla-live selling. Sabi niya, ito daw ang aming gagawin habang sarado ang mga mall, para patuloy parin kame na makapag benta at kumita

Halos tatlong buwan din namin ito ginawa at naging successful naman, pero makalipas ng tatlong buwan, biglang humina ang aming sales dahil sa halos lahat na ng aming customer ay mayroon ng gadgets gaya ng laptop, phone at tablet.

Naging indemand kasi ito noon dahil sa work from home at mga online class set up. 

Pero hindi rin nagtagal, kinausap na kame ng aming manager na ititigil nya na muna ang kanyang live selling dahil sa unti unti na rin siya natatalo.

Mabuti na lamang at meron akong nai-tabi noong panahon na iyon. Dahil talagang marami akong nabebeta sa online. Pero syempre, hindi ito sapat para ako ay tumigil at sumandal na lamang sa kung anong meron ako. Dahil araw araw ay may kailangan akong pa kainin na pamilya.

Gayon pa man, salamat na rin sa ating gobyerno, dahil malaking tulong din ang grocery at mga ayudang ibinigay sa amin. Sa panahon na iyon, hindi naman ako tumigil sa ibat-ibang raket gaya ng mag buy and sell ng gadgets at online selling narin na hanggang ngayon ay mag-katulong na kaming mag-asawa sa pagbebenta online.

Nasubukan na rin namin na magbenta ng Facemask, Face Shield, Alcohol at iba pa.


Nagtayo rin kami ng maliit na Barbequehan, na nagsimula sa halagang Php 200.00 hanggang sa ito ay lumago at aking mga bayaw na ang nagmamanage.

Ang aking biyenan naman ay pinag-bukas namin ng maliit na tindahan na ngayon ay tuloy tuloy na nag-ooperate. Isa ito sa aming pasasalamat sa kanya, dahil sa hirap ng buhay ng aming pinagdaanan, isa siya sa amin naging sandalan. 

Ngayon ay balik trabaho na ako, este business na pala, at isa na nga pala akong mag-ari ng gadget store sa may San Juan.

Una sa lahat, salamat sa Panginoon at sa aking pamilya na walang sawang sumuporta sa akin, sa aking manager na ngayon ay ka-business partner na at syempre sa Work Related PH Team – na nagbigay daan sa amin na tulungan kame upang makamit namin ang mga bagay na ito.

Sana po ako mabasa ninyo ang aking kwento.

“Huwag tumigil kumayod sa buhay, lahat tayo ay may pinagdadaanan. Harapin lamang natin lahat ng may ngiti at pag-asa”

Ako po si Allan – ang diskarte gwapito ng QC.



Thank you for sharing your story, Allan. We hope that your tale will inspire our readers.

Please send an email to workrelatedph@gmail.com if you’d like to share your tale with us same as Allan story.

Optimized by Optimole